Im Marc Christian P. Jainar!
Im a Graduating student of AMA-CLCUrdanetaCity branch,
i want to thank you for visiting my site!
Enjoy browsing on my webpage!
Email me at
marc30independent@yahoo.com
“THE BOB ONG SAYINGS “
"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!" PAG-AARAL
"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."
"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."
"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."
"Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela." BUHAY (IN GENERAL)
"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."
"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"
"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras." HALO-HALO
"Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
"Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
"Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"
"Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
"Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya kwits lang."
"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo." "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"
"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."
"Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
"Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "
"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."
"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."
"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."
"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."
"Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."
"Iba ang informal grammar sa mali!!!"
"Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."
"Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
Today, there have been 16 visitors (24 hits) on this page!
This page is all about filipino bands! Old and New.
My Forum is now open, what i need is your posts to make it work.
You can find biographies, stories and pictures Here!
It can only be what you make it!
Put your comments and suggestion here! thanks!
Bob Ong
Bob Ong, or Roberto Ong, is thepseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.
One reviewer notes (translated from the vernacular):
" Filipinos really patronize Bob Ong's works because, while most of his books may have an element of comedy in them, this is presented in a manner that replicates Filipino culture and traditions. This is likely the reason why his first book - and those that followed it, can be considered true Pinoy classics."
The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies.
The website and the pseudonym
The pseudonym Bob Ong came about when the author was working as a web developer and a teacher, and he put up the Bobong Pinoy website in his spare time. The name of the site roughly translates as "Dumb Filipino," used fondly as a diminutive term. Although impressed, Bob Ong notes, "my boss would've fired me had he known I was the one behind it." When someone contacted him after mistaking him as an actual person named Bob Ong, his famous pseudonym was born. The site received a People's Choice Philippine Web Award for Weird/Humor in 1998, but was taken down after former President Joseph "Erap" Estrada was ousted after the Second People Power Revolution.
Pseudonym Confusion
There has been occasional confusion between Bob Ong and Filipino-Chinese author Charlson Ong. However, according to Bob Ong's account in Stainless Longganisa, he is not actually Filipino-Chinese. Neither is he actually named "Ong." The family name "Ong" just evolved out of play of words that was the BobOng Pinoy website.
It has also been suggested that the poet, Paolo Manalo, is Bob Ong, but he has denied this. The books of Bob Ong are often humorous can produce feelings of nostalgia for the reader.
Another theory also states that Carlos Palanca Memorial Awardee for Literature, Prof. Eros S. Atalia, graduate of Philippine Normal University and is now a teacher in the University of Santo Tomas, is Bob Ong. He also produced two books with Visual Print Enterprise, entitled "Peksman, Mamatay ka Man Nagsisinungaling Ako" and "Lapit na me, Ligo na u". Atalia's writing style falls under a similar type Bob Ong uses. (But if you examine the context, particularly on the author's political view and religious view, Atalia is way too different from Bob Ong)
Published works
*ABNKKBSNPLAko?!(Aba, Nakakabasa na pala Ako!) (2001)
* Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2002)
* Ang Paboritong Libro ni Hudas (2003)
*Alamat ng Gubat (2003)
*Stainless Longganisa (2005)
*Macarthur (2007)
*Kapitan Sino (2009)
*Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan (2010)